Ang angas natin.

Alam mo kung anong mali?

Pakiramdam natin invincible tayo.

Feel na feel natin ang kanta ni Bon Jovi. “It’s my life / It’s now or never / I ain’t gonna live forever / I just wanna live while I’m alive.” (Kinanta mo noh? Aminiiiin!)

Super fans tayo ng tula na Invictus na may super angas na linya na “I am the master of my fate, I am the captain of my soul.”

Tayo ay mga tagapagtaguyod ng slogan na “Do what makes you happy” at all costs. Despite, in spite of, and notwithstanding whatever ang drama mo. You and me against the world! Against all odds! 

Super fans din tayo ng postmodernism. As in superrr. Ang cool kaya. 

Alam mo kung ano pa?

Masyado na natin naging katwiran ang mga konsepto ng ‘tolerance’ at ‘open-mindedness’ upang bigyang saysay ang mga gawain at paniniwala natin.

Dahil dito, kadalasan ay okey lang gumanti kasi naging masama naman siya. Okey lang manlait ng walang pakundangan kasi totoo o halata naman. Okey lang gawin ang isang bagay na walang mabuting basehan kasi yun ang makapagpapasaya satin. Okey lang magkasala ngayon kasi hihingi naman tayo ng tawad mamaya. Matututo naman tayo diba? Experience is the best teacher daw kasi. Isa pa, papatawarin din naman tayo ng taong nasaktan natin diba? Papatawarin din naman tayo ng Diyos. Sure tayo dyan kasi mahal Niya tayo e. Ang mas masaklap e minsan wala lang talaga tayong paki kung matutututo ba tayo o hindi, kung papatawarin ba tayo o hindi. Insert malaking buntung-hininga here.

May mga bagay na hindi mo na kailangang subukan para lang matututo ka kung lantad naman sa buong mundo na mali ito. Ilang beses na pinapakita sa telebisyon, ilang mga payo at paalala na rin ang narinig mula sa mga tao sa paligid, ilang mga halimbawa na ikaw mismo ang nakasaksi… Pero bakit nagawa/ginagawa/gagawin mo pa rin?

Okey lang maging open-minded e, basta ba’t may mabuting basehan. Moderno na rin kasi ang mundo ngayon. Nadiskubre natin na may mga modernong gawain na wala naman palang pahamak na maidudulot sa atin. Ang katunayan nga niyan e ayos ang pagiging open-minded. Pero wag naman ‘yung dahil lang sa iyun ang “in”, madami na kasi ang gumagawa, trending kasi sa Twitter, kasi feel/trip mo lang, kasi nadala ka, kasi “wala lang”, kasi bored ka lang, kasi gusto mo lang naman sumaya o kaya naman, ang pinakamalala at pinakawalang kwentang “walang pakealamanan, kasi buhay ko ‘to.”  Tolparekabayan, may surprise ako sayo. Hindi mo buhay yan. Kaya wala tayong karapatan na mag-angas sa mundong ibabaw like a boss.

Succumbing to human appetite can be dangerous, my friend. Ayon sa kaunting natutunan ko sa pilosopiya, sabi ni Plato na ang tao raw ay pwedeng ihalintulad sa isang charioteer na nagmamaneobra ng kanyang chariot (duh, malamang) sa tulong ng dalawang kabayo—isang puti at isang itim. Ang puting kabayo ay mabuting uri at behaved samantalang ang itim na kabayo naman ang pasaway at atat tumakbo. Yung atat na kabayo ang ating irrational appetite. Ngayon ikaw ang charioteer. Ang charioteer ay isang simbolo ng karunungan at kawastuhan ng pag-iisip na siyang may kontrol sa dalawang horsies. O diba, anong say mo, marunong ka raw at pwedeng mag-isip ng wasto. Kaya naman, by all means, let’s all try to overcome our human appetite. I believe we are all better than that. :-)