Byahe

Wag mo pilitin ang sarili mo na dumaan sa masukal at lubak-lubak na shortcut para lamang makarating agad dun. Maaaring mahaba pa nga ang daan na lalakbayin. Matagal pa siguro. Wala pang signal na ipinapahiwatig si kuyang Driver e. Matagal ka pa siguro magbubutas ng upuan dyan. Wag ka masyadong malikot at baka masuka ka pa. Upo ka lang dyan. Magrelaks ka.. Kung gusto mo makinig ka muna ng musika habang nagdidirek ng music video sa imahinasyon mo. Marami ka pang dapat makita at matutunan sa mga makakasabay mo na pasahero at sa mga stop-overs. Magtiwala ka lang kay kuyang Driver at mas alam Niya ang daan. O heto ang chichirya, kumain ka muna.

Makararating ka rin sa paroroonan. Magkikita rin kayo. Balang-araw.